Channel Avatar

News5Everywhere @UCGEbMwiX774cseKvJqF9R2g@youtube.com

None subscribers - no pronouns set

News5Everywhere is the official YouTube channel of #News5. W


News5Everywhere
1 day ago - 1.1K likes

#News5NetiSays | Iminungkahi ni Sen. Francis Tolentino ang relokasyon ng #ManilaZoo at mga hayop nito sa #Masungi Georeserve sa #Baras, Rizal.

Bukas naman ang Masungi Georeserve Foundation sa planong ito, ani co-founder Ann Dumaliang. "Kapag geopark ang isang lugar, hindi naman ibig sabihin nito na lahat ay strict protection. Mayroon din talagang mga aspeto ng sustainable development. Magandang recommendation (ito). Malaki rin ‘yung puwedeng ambag niyan sa environment education."

Nabisita mo na ba ang Manila Zoo sa Malate? Ano ang masasabi mo sa mungkahing ito, Kapatid? #News5

READ: Tolentino proposes transfer of Manila Zoo to Masungi Georeserve bit.ly/4cBGJyc

News5Everywhere
4 days ago - 1.9K likes

#News5NetiSays | Masusubukan muli ang #GilasPilipinas kontra world no. 23 na #Georgia sa #FIBA Olympic Qualifying Tournament #OQT. Ilang oras na lang, magtatapat na ang dalawang koponan upang mas palakasin ang tsansa makapasok sa knockout round.

May bitbit na momentum ang national quintet matapos pataubin ang world no. 6 na #Latvia.

Mga Kapatid, sino sa tingin niyo ang dapat mag-step up at magsilbing x-factor ng #Gilas versus Georgia? I-comment ang inyong opinyon. #News5

News5Everywhere
4 days ago - 280 likes

#News5NetiSays | Noong Hunyo pa ang first day of classes sa mga paaralan sa bansa, isa ang #NutritionMonth celebrations sa mga pinakahihintay ng mga estudyante dahil sa iba't ibang mga aktibidad na isinasagawa para rito.

Mula sa pagluluto ng iba't ibang mga putahe, costume contests, poster making contests, at iba pa, alaala ng ating kabataan ang pagdiriwang na ito. #News5

News5Everywhere
1 week ago - 3.3K likes

Sa daan tungo sa ika-45 taon ng #EatBulaga, naging bagong tahanan ng #TVJ at #LegitDabarkads ang Kapatid Network.

Sa isang taon ng programang lagi nating kasama sa pananghalian sa #TV5, anu-ano ang mga paborito mong #EB moments sa telebisyon at online? #News5

News5Everywhere
1 week ago - 13K likes

'MAYOR ALICE, WALANG SIKRETONG HINDI NABUBUNYAG'

Ito ang mensahe ni Sen. Risa Hontiveros matapos kumpirmahin ng National Bureau of Investigation #NBI na nagtugma ang fingerprints ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ng Chinese national na si Guo Hua Ping na pumasok sa bansa noong 2003.

"Pekeng Pilipino si 'Mayor Alice' — or should I say, Guo Hua Ping. She is a Chinese national masquerading as Filipino citizen to facilitate crimes being committed by POGO," ayon sa senador.

Sabi ni Hontiveros, ito na ang pinakamabigat na ebidensya para mapatalsik sa puwesto ang alkalde.

"Guo Hua Ping, soon, we will know the full extent of your deception. Magpapatuloy ang aming imbestigasyon sa Senado. We will dig deeper and locate the systemic roots of our POGO problem." #News5

News5Everywhere
1 week ago - 2.6K likes

Nagpayanig ang ating #GilasPilipinas Under-18 Women's National Team bilang panimula sa kanilang kampanya sa #FIBA #U18AsiaCup Division B matapos tambakan ng 123 points ang Maldives, 141-18, noong June 24 sa Shenzhen, China.

Mula sa 11-point first quarter finish ng Maldives kontra 43 ng Pilipinas, nilimitahan ng #Gilas ang kalaban sa pitong puntos lamang sa tatlong nalalabing canto.

Tinalo rin nila ang Lebanon noong June 25, 89-63, at ang Syria via forfeit kahapon. Dahil sa mga panalong ito, aabante sa semifinals ng Divison B ang ating koponan.

Haharapin ng Gilas girls ang mananalo sa laban ng Samoa at Maldives bukas. Kailangang makuha ng ating mga pambato ang Rank 1 ng division upang ma-promote sa Division A ng torneyo para sa pagkakataong makalahok sa 2025 #FIBAU19WC. #News5

News5Everywhere
1 week ago - 24K likes

#News5NetiSays | Inilahad ni Vice Pres. Sara Duterte na tatakbo ang ama niyang si dating pangulong Rodrigo Duterte, at mga kapatid niyang sina 1st District Davao City Rep. Pulong Duterte at Davao City Mayor Baste Duterte sa pagkasenador sa 2025 elections. #News5

News5Everywhere
1 week ago - 381 likes

ALL YOU NEED IS LOVE, LOVE IS ALL YOU NEED

Ipinagdiriwang ngayon ang ika-15 #GlobalBeatlesDay bilang pag-alala ng #TheBeatles fans sa pagiging uliran ng English rock band sa musika, pag-ibig, at kapayapaan.

Isinabay ito sa paglahok ng banda sa "Our World" show ng British Broadcasting Corporation noong June 25, 1967 kung saa'y inawit nila nang live ang awiting "All You Need Is Love." #News5

News5Everywhere
2 weeks ago - 581 likes

#News5NetiSays | Ibinahagi ng ilang miyembro ng #GilasPilipinas ang bagong disenyo ng jersey na kanilang isusuot sa #FIBA Olympic Qualifying Tournament #OQT sa Latvia sa susunod na buwan. 🏀🇵🇭

Sa pagpapakitang gilas ng ating national team, mayroon bang jersey design na tumatak sa iyo, Kapatid? I-comment lang sa post na ito. 👇🏽 #News5


READ: New Gilas jerseys bit.ly/3VCGdbJ

News5Everywhere
2 weeks ago - 213 likes

Maging bahagi ng makabuluhang balitaang tatak #News5 para sa may alam at may pakialam! Hihintayin ka namin sa newsroom, Kapatid! 📺